Canada, inihalal bilang contemporary Indigenous na pinuno ng probinsiya

Pinuri ng punong ministro ng Canada ang “makasaysayang”pagtalaga kay Manitoba First Nations politician na si Wab Kinew bilang unang contemporary Indigenous person na mamumuno sa isang pamahalaang panlalawigan.

Ito’y matapos manalo sa eleksyon laban sa nanunungkulan na Tories na namuno sa nakalipas na pitong taon.

Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, ang resulta ng balota ay isang makasaysayang panalo para sa mga Katutubo at para sa mga Canadian.

Pagkatapos mabilang ang mga balota, sinabi ni Kinew sa kanyang mga tagasuporta na ito ay isang malaking tagumpay para sa kanilang lahat sa Manitoba.

Si Kinew, na nagmula sa Ojibways ng Onigaming First Nation sa hilagang Ontario, ay isang dating mamamahayag at author.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *