Canada, namuhunan sa bansa ng $28 milyon para tugunan ang klima at kalusugan ng publiko

Inanunsyo ng gobyerno ng Canada ang $28.15-million investment para suportahan ang Pilipinas sa mga pagsisikap nito para sa climate adaptation at resilience laban sa mga kalamidad, at pinabuting serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Kinumpirma ito ng Ministro ng International Development ng Canada na si Ahmed Hussen, na binanggit ang 75 taon ng “malakas na bilateral na relasyon” sa pagitan ng dalawang bansa.

Susuportahan ng investment ang $8-million project ng Forest Foundation Philippines na naglalayon namang tumulong sa financing at capacity building para suportahan ang “gender-responsive, nature-based solutions” sa pagbabago ng klima at pagkawala ng biodiversity.

Sasakupin din nito ang $12.5-million na proyekto ng Alinea International na nakasentro sa pagpapalakas ng mga kapasidad ng pambansa at lokal na pamahalaan, pati na rin ng mga organisasyong pinamumunuan ng kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *