Canadian Ambassador bumisita sa Half-way Maternal Home sa San Jose, Camarines sur

CAMARINES SUR – Bumisita sa  San Jose sa Partido Area ang Ambassador of Canada to the Philippines na si David Hartman, upang tingnan at ipaabot ang suporta sa Lying-In Clinic at sa Half-way Maternal Home o  ‘Harong ni Nanay’, isang pasilidad para sa mga buntis na tumatanggap ng serbisyo upang maiwasan ang anumang kapahamakan sa panganganak.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Dr. Arnel Armea ng Municipal Health Office na isa pang layunin ng pasilidad na ito ang matulungan ang mamamayan ng San Jose na makapag-avail ng libreng serbisyo sa panganganak.

“Ang purpose po kaiyan  (ang Half-way Maternal Home), ang concept po kaiyan is to prevent maternal mortality. Para ma-prevent na magka-complicate an saiyang pag-aki, three days before siya mag-aki, madyan na po siya,” ani Armea.

Ang Half-way Maternal Home o Harong ni Nanay ay itinayo sa pamamagitan ng Enhance Mother Newborn  Child Health in Remote Areas through Health Care and Community (EMBRACE) Project ng Adventist Development and Relief Agency (ADRA) katuwang ang Global Affairs Canada, ADRA Canada, at lokal na pamahalaan ng San Jose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *