Canaman , Camarines Sur, muling nakapagtala ng kaso ng ASF

NAGA CITY – Kinumpirma ng Municipal Agriculture Office ng Canaman , Camarines Sur na mayroon muling baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Richard Quintana, Agriculturist II Livestock Inspector ng Municipal Agriculture Office. Aniya, agad silang nagsagawa ng inspeksyon at ipinasuri ang blood samples ang baboy na pinagdudahang apektado ng sakit sa Barangay San Juan sa naturang bayan.

Nagsagawa na rin sila ng mga survey at pina-alalahanan na ang mga karatig barangay, na mag-disinfect na ng kulungan ng kanilangan mga alagang baboy.

Magiging mahigpit na kasi sila sa pagpapalabas ng mga baboy mula sa kanilang bayan nang sagayon ay maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nanghihinayang naman ang LGU dahil 2021 pa silang pink zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *