Canoreco humiling ng suporta sa mga LGU para sa Franchise renewal nito sa 2028

CAMARINES NORTE – Humiling ng suporta ang Camarines Norte Electric Cooperative sa mga Local Government Unit para sa franchise renewal nito sa 2028.

Sa pamamagitan ng sulat ni General Manager Zandro Gestiada sa mga Alkalde, hiniling nito na ang bawat Sangguniang Bayan ay magpasa ng resolusyon na sumusuporta sa franchise application ng Canoreco.

Kalakip ng sulat ang draft resolution para sa franchise application na isa sa mga dokumento na isusumite sa Committee on Legislative Franchises.

Batay sa draft resolution sa loob ng mahigit 40 taon na operasyon ng kooperatibe ay malaki na raw ang naging pagbabago sa operasyon nito.

Sa panahon umano ng bagyo at kalamidad, mabilis ang pag aksyon ng mga kawani at lupon ng Canoreco upang maiwasan ang mga sakuna at mabilisang maibalik ang suplay ng kuryente sa probinsiya.

Ibinida rin ng naturang kooperatiba ng kuryente na sa loob ng anim na taon ay nanatiling AAA ang kategorya at klasipikasyon ng Canoreco sa EC Annual Performance Assessment ng National Electrification Administration.

Patunay umano ito ito na maayos na pamamahala at operasyon ng kooperatiba

Patuloy rin daw itong  nagpapatupad ng mga pagbabago upang mapanaitili ang maayos at epektibong serbisyo ng kooperatiba sa mga member- consumer owner.

Sumusuporta rin ang naturang kooperatiba sa mga programa ng Rural Electrification sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyekto kabilang ang Sitio Electrification Program (SEP), National Intensification of Household Electrification Program (NIHE), Barangay Line Enhancement Program (BLEP) at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *