CAMARINES NORTE- Pasado na at may ISO Certification 9001 na ang Canoreco matapos nitong pumasa Certification Audit Stage 2 ng Auditors ng TUV Nord Philippines, Inc.
Ang nasabing pagpapasirtipika ay hakbang umano ng CANORECO upang mapatunayan na mapagkakatiwalaan umano ito ng Member Consumer Owners (MCOs) at ng External Providers nito.
Isinagawa ang ikalawang bahagi ng Certification Audit noong ika-30 at ika-31 ng Marso sa tulong ng Consultants ng Synergized Macro Solutions, Inc.
Matatandaang nagsimula ang preparasyon at koordinasyon ng proyektong ito matapos maglabas ang CANORECO board of directorsΒ ng Board Resolution No. 102, series of 2021 noong ika-9 ng hunyo taong 2021 na nag-uutos sa CANORECO Management na kumuha ng ISO Certification bilang patunay na ang kooperatiba ay nakakasunod sa international quality standards.
Samantalang, isinagawa naman ang Certification Audit Stage 1 noong ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.
Ang πππ ππππ ay isang internasyonal na pamantayan sa Quality Management System (QMS) na nakatuon sa sa customer satisfaction sa pamamagitan ng paghahatid ng de-kalidad na produkto at serbisyo.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…