Canoreco nagpaliwanag kung bakit itinataong weekend ang schedule ng maghapong brownout

CAMARINES NORTE- Nagpaliwanag ang Camarines Norte Electric Cooperative hinggil sa halos linggo- linggo na lang na maghapong power service interruption na itinataon kada weekend.

Ayon kay Canoreco General Manager Zandro Gestiada importante raw kasing maisaayos ang mga linya dahil masyado na itong delikado.

Ini- schedule  umano nila ang power service interruption kada weekend upang hindi naman gaanong maapektuhan ang mga nag- oonline class.

Marami din ngayon ang nagtatrabaho online dahil nagpapatupad ng work from home arrangement ang ilang opisina dahil sa banta ng COVID- 19.

Noong weekend nakaranas ng walong oras na power service interruption ang mga bayan ng San Vicente, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, Basud, Talisay at Vinzons gayundin sa ilang barangay ng Labo.

Ang ibang lugar naman ay nakaranas ng momentary  interruption.

Ang sanhi ng naturang  power service interruption  ay upang i- facilitate ang agarang correction of line to ground clearance na naging dahilan ng auto tripping ng 69 KV line noong huwebes.

Nagsagawa ng paglilinis sa 69kV transmission line sa Talisay at iba pang linya ng kuryente.

Nagkaroon din ng pagpapalit ng bypass disconnecting switch sa Lag-on 20 MVA Substation, pagsasagawa ng 3- phase line conversion sa Basud Line na bahagi ng Capital Expenditure (CAPEX) project at iba pang gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *