Capacity development seminar para sa mga newly elective at appointed barangay officials magsisimula na sa Pebrero ayon sa DILG

CAMARINES NORTE – Sisimulan na sa Pebrero ang capacity building activities para sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay kasama ang mga appointed officials tulad nng Secretary at Treasurer.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG ) Provincial Director Melody Relucio ito na ang component 2 ng Barangay Newly-Elected Officials (BNEO) kung saan magkakaroon ng orientation seminar sa lahat ng aspeto ng pangogobyerno sa loob ng tatlong araw.

Binigyang diin ni Relucio na mandatory ang training dahil magsisisilbi itong review sa mga dati nang opisyal ng barangay at new learnings naman para sa mga baguhan.

Sesentro ang talakayan sa salient features ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991 tulad ng mga function at organizations na dapat mayroon ang barangay.

Dalawang araw ang general orientation at isang araw na specialized course ayon sa kanilang choice.

Magkakaroon ng kaniya- kaniyang schedule ang iba’t- ibang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *