“Card-Not-Present” – panibagong scam ngayon

Unti-unting dumarami ang mga napapaulat na na-scam sa bagong modus ng mga manloloko sa pamamagitan ng Card-Not-Present (CNP).

Kaugnay nito, nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa publiko na huwag basta-basta ibibigay ang kanilang debit o credit card information.

Nabatid na sa CNP, hindi kinakailangan ang mga actual cards sa mga transaksyon na kadalasan ay nangyayari sa mobile o online payments at dahil dito kinakailangan na ibigay ang pangalan, card number, card verification value (CVV) at expiry date at ito ang sinasamantala ngayon ng mga scammer.

Paalala ng BSP, maging maingat sa pagbibigaay personal information sa pamamagitan ng tawag, e-mail o text message, mag-set ng OTP o multi-factor authentication, gaya ng security questions, biometric authentication via face ID o thumbprint para makasiguro ligtas sa scam.

Dagdag pa ng Bangko Sentral, agad na ipaalam sa mga kinauukulan o bangko na kinabibilangan sakaling hindi ito naisawasan para agad na maaksyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *