Cardiac arrest, ikinamatay sang isang pulis sa Koronadal

KORONADAL CITY – Acute Myocardial Infarction o cardiac arrest ang dahilan ng kamatayan ng isang pulis na nakita na lamang na wala ng buhay, Linggo ng umano sa kwarto nila sa Police Community Precinct 1 sa Barangay Namnama, Koronadal City.

Kinilala ang biktima na si Police Pcl. Carlo Garingo Lino na nakita na lamang ng kaniyang mga kasama na wala na itong buhay. Isinugod ito sa South Cotabato Provincial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival. Sa imbestigasyon, ilang beses na tinawag ng kanilang mga kasamang pulis para mag-umagahan ngunit hindi ito sumasagot dahilan na napilitan ang mga ito na sirain ang pintuan kun nakita na lamang ang nasabing pulis na isang ng malaming na bangkay.

Sa joint investigation ng Koronadal City PNP at ng South Cotabato Provincial Forensic Unit – 12, napag-alaman na walang foul play sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *