Cargo vessel, nasunog habang naka-angkora sa Castilla Port

Sumiklab ang sunog sa isang cargo vessel na naka-anchor sa Castilla Port Anchorage Area dakong alas 11:00 ng umaga kahapon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News mula sa PCG Sorsogon, rumesponde sila sa isang insidente ng sunog na kinasasangkutan ng MV Ken sa karagatan na sakop ng Brgy Poblacion ng nasabing bayan.

Ang cargo vessel umano ay pag-aari ng Pherwin Shipping Corp. na matatagpuan sa Milaor, Camarines Sur.

Katuwang ng PCG Sorsogon ang CGSS Castilla, MEPGroup o Marine Environmental Protection Group Sorsogon at mga augmentation force kasama ang Phil Navy.

Tumulong na rin sa pag-apula ng apoy ang crew ng nasusunog na cargo veseel at crew ng isa pang vessel na MV Annabelle. Nagpahiram naman ng kanilang firehose ang BFP ng Castilla.

Idineklarang fire-out ang sunog dakong alas 3:05 ng hapon.

Sa update mula sa PCG, ang sunog umano ay nagsimula sa mess hall at pinaniniwalaang nagleak na LPG tank ang naging sanhi ng sunog.

Ligtas naman ang 8 crew ng nasabing cargo vessel.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Kagawaran ng Pamatay Sunog sa halaga ng pinsala ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *