Carlito Galvez, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang Defense secretary

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND).

Pinalitan ni Galvez si DND officer-in-charge Jose Faustino Jr., na batay sa Malacañang ay nauna nang nagbitiw, bagama’t hindi tinukoy ang dahilan ng pagbibitiw nito.

Samantala, kinumpirma naman ng Presidential Communications Office na tinanggap na ni Galvez ang naturang appointment.

Una nito, nagkaroon din ng pagbabago sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP), matapos palitan ni General Andres Centino si Lieutenant General Bartolome Bacarro bilang AFP chief nitong Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *