Carlos Yulo, makikita sa aksyon sa huling leg ng Gymnastics World Cup Series sa Cairo, Egypt

Makikita sa aksyon sa huling leg ng Gymnastics World Cup Series sa Cairo, Egypt ang 23-taong-gulang na Tokyo Olympian na si Carlos Yulo.

Ito ay matapos siyang humakot ng kabuuang tatlong ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya sa World Cup series na ginanap noong Pebrero at Marso.

Inaasahang madadagdagan pa ang iuuweng medalya ni Yulo para sa bansa.

Ang qualifications ay gaganapin ngayong araw at bukas, habang ang apparatus finals ay sa Sabado at Linggo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *