Carmina Villaroel at Cassy Legaspi, pinaghihinalaang may pinapatamaan sa Insta

Pinaghihinalaan ng netizens ang mga cryptic posts ng mag-inang sina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi sa kanilang Instagram Stories kahapon.

Nakasaad sa post ni Carmina ang “Don’t expect the same in return,” habang nag-post naman ng kanta ni Oliva Rodrigo si Cassy na may title na “Favorite Crime.”

Ayon sa mga netizens, patama ito sa “bestfriend” ni Cassy na si Darren Espanto.

Ito’y matapos linawin ni Darrent na matalik na kaibigan niya lang talaga si Cassy at walang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi ito ang first time ng “magparinig” si Carmina dahil maalalang nag-post na rin ito matapos mapabalitang hiwalay na ang anak niyang si Mavy Legaspi at rumored girlfriend na si Kyline Alcantara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *