Carwash boy na umano’y regional level most wanted person, boluntaryong sumuko sa Catanauan, Quezon

Boluntaryong sumuko sa Catanauan Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking umano’y Regional Level Most Wanted Person nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ayon sa report, bandang alas-11:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang Catanauan MPS sa tahanan ng akusado na si alyas “Jayson”, 28-anyos subalit hindi nila ito natagpuan.

Bandang alas-3:50 ng hapon, boluntaryong sumuko ang akusado para sa nakabinbin nitong kasong Murder.

Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *