Cash assistance, nakatakdang ipamahagi ng Legazpi City – LGU sa mga residente ng lungsod

BNFM BICOL—Nakatakdang mamahagi ng financial assistance ang pamahalaang panlungsod ng Legazpi sa tinatayang 21,000 na households at 19,000 mga senior citizens na residente ng lungsod.

Ang naturang ayuda ay ipapamahagi para sa mga pamilya at mga senior citizens na lubhang naapektuhan ng krisis bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Tatanggap ng P3,000 ang bawat pamilyang magiging benepisyaryo ng naturang ayuda habang P2,000 naman ang tatanggapin ng bawat senior citizen. 

Kukunin umano ang pondo para dito mula sa realignment ng infrastructure fund tungo sa social services na nagkakahalagang P40-Million. Layunin umano ng LGU na maibsan kahit papaano ang nararanasang krisis ng kanilang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng cash assistance para ibili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng gamot at pagkain.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *