Casimero, nakarating na sa Las Vegas

Dumating na si WBO bantamweight king John Riel Casimero sa Las Vegas, Nevada para sa kanyang US training kasunod ng kaniyang title bout laban sa Cuban counterpunching specialist na si Guillermo Rigondeaux.

Winelcome naman ni MP Promotions president Sean Gibbons ang boksingero na tubong Ormoc at ang assistant nito na si Marc Lontayao na nagdokumento ng nasabing byahe.

Nakasama na rin muli ni Casimero ang kanyang conditioning coach na si Angel “Memo” Heredia.

Ito na ang ikatlong beses na makakatrabaho niya ang kanyang conditioning coach, na nagsasanay rin kasama ang iba pang prominenteng boksinger gaya nina Jean Pascal at Yordenis Ugas.

Inihayag ni Heredia na makakamit ni Casimero ang best shape bago ang laban nito kay Rigondeaux sa August 14.

Umaasa naman si Heredia na mas dadali ang kanilang trabaho dahil alam na ni Casimero ang mga kinakailangan nitong gawin para makumpleto ang kanilang training sessions.

Papasok si Casimero sa nasabing laban matapos nitong manggaling sa anim na magkakasunod na panalo kung saan ay kabilang na rito ang pag-knock out niya sa dating kampeon na si Zolani Tete.

Samantala, nakaka-tatlong magkakasunod na panalo na si Rigondeaux kabilang na ang huli niyang laban kung saan ay nagwagi siya via split decision sa kanyang laban kontra kay Liborio Solis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *