Casimero, sinimulan na ang training para sa laban vs Rigondeaux

Matapos magpahinga ay lumipad na ang WBO bantamweight champion na si John Riel Casimero papuntang Maynila para simulan na ang kanyang preparasyon para sa title match nito laban sa Cuban fighter na si Gullermo Rigondeaux.

Sinabi ni Casimero na hindi siya magtatagal sa Maynila dahil balak nito na lumipat sa kanilang training camp sa US sa lalong madaling panahon.

Anya, hinihintay na sila sa US ni Sean Gibbons, na palagaing nakabantay sa kanilang training.

Inaasahan ng three-weight wolrd champion na mananatili ito sa Las Vegas muli kung saan siya nagsanay habang hinihintay ang Japanese unified world titleholder na si Naoya Inoue.

Gayunman, hindi natuloy ang Inoue fight, at sa halip ay hinarap ni Casimero si Duke Micah noong Setyembre ng nakaraang taon.

Hindi nagtagal ang naturang laban kung saan ay napatumba ni Casimero ang Ghana fighter sa loob ng 3 rounds.

Ngayon ay kailangan ni Casimero labanan si Rigondeaux para sa WBA regular bantamweight crown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *