Castro – kokonsulta sa mga abugado matapos ma-dismiss ang reklamo laban kay dating Pang. DU30

Aminado si House Deputy Minority Leader Rep. France Castro na nalungkot at nadismaya ang kanilang kampo matapos ma-dismiss ang reklamo nito laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan kasing binasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong grave threat laban kay Duterte dahil sa mga umano’y death threat nito kay Castro.

Sabi ni Castro – apektado raw ng mga banta ni Duterte ang kaniyang pamilya.

Sa ngayon, inihahanda na raw nila ang susunod na aksyon ng kanilang kampo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *