CASURECO II, nakukulangan ng supply ng metro

CAMARINES SUR- Aminado ang Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II) na ang kakulangan sa supply ng metro ang pinakapangunahing dahilan kung bakit hindi pa nakakabitan ng kuryente ang mga konsumer na sakop ng kooperatiba.

Ito ang naging paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Rinner Bucay, tagapagpahayag ng CASURECO II matapos ang ilang reklamong ipinaabot ng mga konsumer. Aminado ang opisyal na marami-rami pa ang mga residente sa Naga City at Camarines Sur ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakabitan ng kuryente kahit kompleto na ang kanilang papeles.

Kahit na nga hindi inirerekomenda ng kooperatiba na bumili ng sariling metro ang mga konsumer, suhestiyon ng opisyal na maaaring magpadala ng liham ang mga konsumer sa kanilang opisina upang bigyan ng pahintulot na makapagbili ng sariling metro lalo na kung talagang hindi na makapaghihintay pa ang mga ito sa supply ng metro na libreng ibinibigay ng kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *