Catapang, pormal na maghahain ng request sa COA para sa special audit sa BuCor

Pormal na hihilingin ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang sa Commission on Audit (COA) na i-review ang specific sectors at issues na bumabalot sa ahensya.

Ayon kay Catapang, makakatulong ito na maayos ang mga kontrobersiya na nagsilabasan sa ahensya.

Una nang ibinunyag ng kasalukuyang BuCor chief ang 200-meter-wide at 30-meter-deep hole o tunnel sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), na hinukat sa ilalim ng administrayson ni Bantag.

Inamin naman ito ni Bantag, na siya ang nag-utos sa excavation dahil gusto umano niyang magtayo ng malalim na swimming pool, bilang siya ay isang “scuba diver.”

Samantala, nitong buwan din, nang makumpiska ang mahigit 7,500 beer-in-cans, ielagl na droga, mga baril, cellphones, laptops, pera, sharp objects, at iba pang kontrabado sa loob ng maximum security compound ng NBP.

Ayon kay Catapang, nagsagawa na siya ng performance audit sa tulong ng kanyang sariling team ng mga imbestigador, pero hindi umano ito sapat kumpara sa full COA audit. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *