Cauayan City, isasailalim sa 7-days GCQ bubble simula April 26

Isasailalim sa General Community Quarantine Bubble ang Lungsod ng Cauayan simula April 26 hanggang May 2, 2021.

Ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 40 ng lokal na pamahalaan ng Cauayan kung saan mas pinaigting ang mga ipatutupad na protocols bilang pagtugon parin kontra COVID 19.

Ilan sa mga alintuntunin sa ilalim ng GCQ Bubble ay mas pinaagang curfew hours sa lungsod na magsisimula ng alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga maliban sa mga frontliners at Authorized Person Outside Residence o APOR.

Kaugnay nito, bawal parin lumabas ang 18 anyos pababa at 65 pataas maging ang mga may sakit at mga buntis.

Kasamang ipatutupad ang liquor ban kung saan ipinagbabawal ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Tinatayang nasa 10% lamang o limitado lamang sa sampung katao ang maaring payagan na dumalo sa mga religious gathering, kasal, binyag, at burol na magtatagal lamang ng limang araw.

Mananatili namang ang umiiiral na Coding Scheme ng lungsod sa mga tricycle maliban lang sa mga sasakyan ng mga frontliners at APOR.

Magtatalaga naman muli ng mga Boarder Checkpoint partikular sa Brgy. Alinam, San Fermin, Tagaran, Alicaocao, At District 3 kung saan lahat ng darating sa lungsod mula sa ibang bayan ay mandatong magtutungo sa Triage sa Isabela State University Cauayan Campus.

Kaugnay dito, kinakailangan magprisinta ng Valid ID sa itinalagang checkpoint ang mga dumarating sa lunsod.

Ipinagbabawal narin ang dine-in sa mga restaurants at lahat ng banko ay magbubukas lamang mula alas-9 hanggang alas-2 ng hapon habang ang ilang mga sector o establisyimento na pinapayagan mag-operate ay limitado lamag hanggang alas-7 ng gabi.

Patuloy naman ang paaalala sa lahat ng mga mamamayan na magsuot parin ng face mask at face shield maging ang ang pag-oobserba sa physical at social distancing.

Samantala, sinabi naman ni City Mayor Bernard Dy sa kanyang facebook page na hindi kailangang mag-panic dahil ang naturang hakbang ay precautionary measures lamang upang matugunan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lunsod at inaasahan naman nito ang kooperasyon ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *