Cavite-PNP, tinawag na fake news ang serye ng robbery at carnapping

Pinabulaanan ng Cavite Provincial Police Office (PPO) at Bacoor Component City Police ang kumakalat sa social media na serye ng robbery at carnapping sa lugar.

Ito ay kasunod sa napaulat na pagtakas ng mga bilanggo sa Bacoor at target na mang-holdap at magnakaw ng mga motorsiklo sa mga residente.

Sa inilabas na abiso ng Bacoor Police, nakasaad na walang batayan ang mga kumakalat na alegasyon.

Payo ng pulisya sa publiko, maging maingat sa impormasyon at suriing mabuti kung ito ay totoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *