CBCP: Huwag kalimutan ang banta ng COVID-19 sa Kapaskuhan,

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols para sa darating na kapaskuhan sa kabila ng pagluluwag ng mga restrictions.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care vice chairman Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio, hindi pa rin nawawala ang banta ng coronavirus.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang lahat na bagamat hindi mapipigilan ang mga social gatherings sa pasko, kailangan pa ring alalahanin ang kaligtasan laban sa virus.

Bukod sa paalalang pangkalusugan, sinabi rin ng obispo na manampalataya at magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa tatlong taon matapos ang pandemya.

Mensahe ng church leader, huwag ding kalimutang tumawag sa Panginoon dahil kung wala ang tulong niya, hindi natin malalaban ang COVID-19. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *