CCG, hinarang ang pangunguha ng sea shells ng mga mangingisdang Pilipino

May panibago na namang pangha-harass ang China Coast Guard (CCG) sa mangingisdang Pilipino matapos nitong harangan ang pangunguha nila ng mga sea shells sa Bajo De Masinloc.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela, nagsumbong ang isang mangigisda sa Zambales na nilapitan sila ng rubber boat ng CCG na may limang tauhan.

Ayon kay Tarriela, pinababalik daw nito ang kabibeng kinuha ng mga mangingisda mula sa dagat.

Aniya, hinabol ito ng mga Chinese Coast Guard at may humawak pa sa kanilang bangka para hindi ito makaalis.

Sa ngayon, hinihintay pa ng PCG ang pagbabalik ng mga mangingisda sa dalampasigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *