CDRRM Naga , No holiday

NAGA CITY โ€“Tiniyak ni Ernesto Elcamel, head ng Naga City Disaster Risk Reduction Management Office na nakaantabay ang kanilang Emergency Medical Technicians na siyang handang mag responde sa anumang emerhensiyang sitwasyon tulad ng vehicular accidents na marami ngayon sa lungsod o sa pagpasok pa lamang ng Disyembre.

Ang mga personaheng ito ay siyang nasa loob ng ambulansya na siyang nagbibigay ng first aid sa pasyente habang dinadala ito sa pinakamalapit ng ospital partikular na sa Bicom Medical Center.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Elcamel, sinabi niyang nakaduty sila ngayong Pasko at Bagong Taon,dahil โ€œno holidaysโ€ ang kanilang ipinatutupad, para magampanan ang kanilang trabaho sa publiko.

Nakaantabay din sila sa mga simbahan sa lungsod sa isinasagawang simbang-gabi at misa de gallo, lalo na sa mga kabataang kaskaserong magpatakbo ng sasakyan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *