CDRRMO Olongapo tiniyak na dumaan sa pagsasanay ang mga emergency Telecommunicator

OLONGAPO- Siniguro ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng Olongapo na dumaan sa tamang pagsasanay ang mga emergency telecommunicator nito.

Ayon kay CDRRM Officer, ang mga tauhang nakatalaga sa 911 emergency hotline ay may mga lisensya para maging isang telecommincator.

Ang mga ito ang tatanggap ng tawag at magbibigay ng impormasyon sa pinakamalapit na barangay o opisina na dapat magresponde kaagad sa lugar na may insidente.

Pakiusap lang ng CDRRMO sa publiko na iwasan ang prank calls at lehitimong mga insidente lamang dapat ang itatawag sa hotline.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *