Cebu-Negros-Panay Phase 3 Transmission upgrade target na matapos sa katapusan ng Marso

Target ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na matapos sa katapusan ng Marso ngayong taon ang Phase 3 ng Cebu-Negros-Panay Transmission Upgrade.

Ayon kay Phil ZSalazar, Manager ng NGCP Visayas Planning and Engineering, “on track” ang kanilang pagtayo ng Phase 3 ng Cebu-Negros-Panay Grid upgrade na inaasahang matatapos ngayong Marso 31.

Patuloy umano ang kanilang pag-energize sa iilang mga linya sa Western Visayas upang maabot ito sa target.

Ang Cebu-Panay-Grid ay isa sa mga solusyon na itinuturo ng Department of Energy (DOE) pati na ng ibang mga stakeholders upang masiguro ang stable na supply ng kuryente sa isla ng Panay.

Dagdag pa ni Mayor Jerry Treñas nga kailangang masiguro ng NGCP na makompleto ang Cebu-Negros-Panay interconnectivity project upang hindi na maulit ang limang araw na black-out sa isla ng Panay. //MERIAM LUMBRES AGDIPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *