Categories: Featured NewsShowbiz

Cebuano beatboxing twins pinuri ni Hollywood actor Will Smith

Viral ngayon sa internet ang beatboxing twins mula sa Cebu na sina Joemar at Jake Canencia matapos mapansin at i-repost ng isa lang naman Hollywood celebrity ang kanilang video.

Sa Instagram post ni Will Smith, ay makikita ang video ng kambal na kino-cover ang Martin Garrix hit na “Animals”.

Sinabi ni Smith sa caption: “Before the internet, people would just be good at something like this and nobody would know—Tragedy! Shoutout Joemar & Jake…this is spectacular!”

Napakomento naman sa nasabing post si Martin Garrix mismo, kung saan ay inihayag niya ang kanyang pagkamangha sa kambal sa pamamagitan ng pagtawa.

Ikinagulat naman nina Joemar at Jake na napansin ng isang sikat na aktor ang kanilang talento.

Sinabi nila na inakala nila na mga Pilipino lang ang nakakakita sa kanilang video, ngunit tila ay nakarating na ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ibinahagi naman nila na nadiskubre nila ang kanilang talento sa beatboxing noong sila ay 5-taong gulang pa lamang, ngayon, sila ay 16-taong gulang na.

Bukod sa beatboxing, ay meron rin Youtube channel ang dalawa na ngayon ay meron nang 7,000 subscribers.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago