US, naghahanda ng tulong para sa India na nagtala ng global record-high na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19

Inanunsyo ng Estados Unidos na naghahanda na ito na tulungan ang India.

Kamakailan ay naitala ng India ang global record ng pinakamaraming bilang ng mga bagong COVID-19 infections sa loob lamang ng isang araw.

Sa nakalipas na 24 oras ay nagkaroon ang India ng 349,691 na bagong kaso ng COVID-19.

Sinabi ni US Secretary of State Anthony Blinken na nakikisimpatya sila sa India sa gitna ng katakot-takot na COVID-19 outbreak na nararanasan nito.

Ayon kay Blinken, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga partners sa Indian government para mapabilis ang paghatid ng suporta para sa mga mamamayan ng India.

Matatandaan na naharap ang US sa kritisismo dahil sa export controls sa raw materials para sa mga bakuna sa pamamagitan ng Defense Production Act at associated export embargo noong Pebrero.

Nitong buwan lamang ay hinimok ng Serum Institute of India (SII) si US President Joe Biden na i-lift ang embargo sa US exports ng raw materials, na nakasasama sa produksyon ng AstraZeneca shots.

Al Jazeera

BNFM National

Recent Posts

Pagkain at pagbenta ng isdang ‘butete’, hindi pinapayagan ng Environmental Sanitation Office

LEGAZPI CITY - Hindi inirerekomenda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng…

13 mins ago

Info dissemination, agad na isinagawa sa bayan ng Libon, Albay matapos ang insidente ng pagkalason dahil sa pagkain ng “butete”

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Libon Municipal Police Station, Libon, Albay na agad na nagsagawa…

35 mins ago

Kanhi labor sa Gensan fishport gidakop sa buy bust operation sa Bula PNP

DAKPAN sa kapulisan ang usa ka lalaki nga sumala pa nalambigit sa ginadili nga druga…

38 mins ago

3, patay matapos malason sa pagkain ng ‘butete’ sa Libon, Albay

LEGAZPI CITY - Tatlo katao ang binawian ng buhay matapos malason dahil sa pagkain ng…

39 mins ago

Usa ka batan-ong lalaki nga akusado sa kasong lugos nitahan sa kapulisan

NAKA KUSTODIYA karon sa San Isidro Police Station ang usa ka batan-ong lalaki nga akusado…

50 mins ago

Asynchronous may benipisyo rin sa mga guro-DepEd Naga

NAGA CITY – Naiiwas sa anumang masamang epekto ng matinding init ng panahon ang mga…

53 mins ago