Cellphone signal shutdown sa Naga City pinag iisipan pa kung ipapatupad muli sa military

NAGA CITY – Wala pang pinal na desisyon ang nabuong komitiba sa mangyayaring military parade competition ngayong darating na Peñafrancia Festival sa celebration sa Setyembre  kung muling ipapatupad ang cellphone signal shutdown.

Pinag-iisipan pa aniya ito ng LGU-Naga kung ipapatupad o hindi bilang bahagi sa ginagawang paghahanda na ngayon ng komitiba  na pinamumunuan ni City Councilor Omar Buenafe.

Sa ginawang pagharap sa media at sa Brigada News FM Naga ni Buenafe, sinabi nitong tiyak na mas maraming darating na bisita at deboto si Inang Peñafrancia ngayong taon dahil nga sa tuluyan ng pag-alis sa anumang restrictions laban sa COVID-19.

Ayon sa opisyal na retiradong heneral, mas paiigtingin pa nila ang pagbibigay ng seguridad lalo pa at kabilang sa mga lalahok sa ilang mga aktibidad ay mga pulis at mga sundalo.

Ang mga ito ang magiging katulong nila sa preparasyon para matiyak ang kaligtasan ng bawat isang manonood ng parada at ibang programa sa lungsod.

Inaassahan din nila ang pagdatingan ng ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police at Philippine Army sa okasyon na ang iba ay magsisilbing mga hurado.

Ang military parade siyang kinokonsiderang longest parade sa bansa.         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *