Census of Agriculture and Fisheries na isinasagawa tuwing ika-sampung taon pinaghahandaan na ng PSA

CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Census of Agriculture and Fisheries (CAF) na gagawin sa Setyembre nitong taon.

Ang bagay na ito ay tinalakay sa 3rd Quarter Provincial Statistics Committee meeting na ginanap sa Audio Visual Room ng Provincial Capitol dito sa Daet na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao ginagawa ang ganitong survey sa tuwing ika-sampung taon na bahagi ng mandato ng ahensiya alinsunod sa Republic Act No 10625 o ang Philippine Statistical Act of 2013.

Ang magiging resulta ng CAF ay gagamiting basehan ng gobyerno para sa pagbalangkas ng mga programa na may kinalaman sa dalawang mahalagang sektor, ang agrikultura at pangingisda.

May dalawang bahagi ang survey na tatakbo sa buong buwan ng Setyembre, ito ang Census of households and non-households.

Ang non-household ay kinabibilangan ng mga establishment na-involved sa agriculture and fisheries habang ang survey na gaganapin sa Setyembre ay household at ang mga kakapanayamin ay ang mga nagtatanin ng iba’t-ibang crops, palay at livestock and poultry raisers.

Mula Januray 1, 2022 hanggang December 31, 2022, ang reference period ng survey.

Mayroong sample Barangays sa bawat bayan na ang makukuhang datos ay magre- represent sa buong probinsiya.

Kaugnay nito ay hinimok ng PSA ang publiko partikular ang mga responder sa naturang survey na makipag-cooperate.

Binigyang diin ni Padayao na mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa sa ikatatagumpay ng survey na magiging basehan naman ng mga policy makers sa gobyerno para sa mga ibabang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *