CEU Lady Scorpions, ipinagpatuloy ang kampeonato ng 11 taon

Ipinagpatuloy ng Centro Escolar University ang kanilang dinastiya sa Season 54 ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA).

Tinambakan ng Lady Scorpions ang San Beda University Alabang Red Lions sa Finals sa iskor na 68-46.

Dahil dito, napatunayan ng CEU na hinding-hindi matitinag ang kanilang pwersa sa WNCAA.

Hinirang na Most Valuable Player si Krizzyann Bautista ng Lady Scorpion na nakapag-ambag ng 23 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals.

PHOTO COURTESY: CEU Scorpions Basketball Team

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *