Cha-cha, posibleng “dead in the water” na – solon

Naniniwala ang ilang mambabatas na kaalyado ng administrasyon na posibleng masayang ang efforts ng House of Representatives na maamyendahan ang mga probitive economic provisions sa 1987 Constitution dahil sa kawalan umano ng aksyon ng Senado.

Sinabi ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na makokonsidera na ang Resolution of Both Houses 2 bilang “dead in the water.”

Patuloy naman sinisikap ng House leadership na maaprubahan ang RBH 2 sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-recess ang Kongreso sa June 4.

Ipinunto ni Majority Leader Martin Romualdez na gusto ni House Speaker Lord Alan Velasco na mapagtuonan ng atensyon ang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3 at ang economic Charter change sa ilalim ng Resolution of Both Houses 2.

Inaasahang magkakaroon ng break ang mga senador at kongresista bago mag-resume ang kanilang mga sesyon sa July 26, kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *