Charter change, hindi sagot para sa ikauunlad ng ekonomiya -Bayan Muna Partylist

NAGA CITY- Hindi umano solusyon ang pag-amyenda sa Saligang Batas para sa ikauunlad ng ekonomiya.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Neri Colmenares, Chairperson ng Bayan Muna Partylist sa isinagawang “Pag-Andam: A Forum on Charter Change” na ginanap sa isang unibersidad sa Naga City. Tinalakay niya sa mga dumalo ang mga alternatibong paraan para mapalago ang ekonomiya ng bansa tulad ng pagpapalakas ng mga proyektong pang agrikultura, pagpapataas ng social services health at pagsugpo ng kurapsyon.

Naging sentro rin ng forum ang pagbibigay sa mga kabataan ng impormasyon patungkol sa mainit  na usapin. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa loob at labas ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *