Checkpoint, pulong pulong, palalakasin sa Presentacion, Camarines Sur, matapos ang engkwentro

NAGA CITY – Palalakasin pa ng pulisya ang pag checkpoint at iba pang community services tulad ng pulong pulong sa mga barangay sa Presentacion, Camarines Sur matapos ng engkuwentrong naganap sa pagitan ng mga sundalo at ng armadong grupo sa Sityo Matan, barangay Pili noong nakaraang Sabado na nagresulta sa pagkasawi ng isang tao.

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni P/Capt. Mark SpaÑa, Chief of Police ng Presentacion Municipal Police Station na mayoriya sa 18 barangay ay nasa up-land o nasa bulubunduking lugar, magkagayun man tiniyak niyang napupuntahan nila ito at nakakausap ang mga sibilyan sa matiwasay na paraan.

Anya’y katulong nila ang mga sundalo sa pagbabantay sa seguridad,pakikipag-usap sa mga  taga-barangay na dapat iwasan ang mapabilang sa grupo ng mga armado at dapat na mabuhay na kasama ang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *