Chef Gordon Ramsay, magbubukas ng kauna-unahang restaurant sa Ph

Hindi na kailangan pang dumayo sa Europa, North America at maging sa Asya dahil magbubukas na ng kauna-unahang restaurant sa Pilipinas ang  multi-Michelin-starred chef na si Gordon Ramsay.

Bubuksan sa ikalawang quarter ng 2024 ang kanyang Gordon Ramsay Bar and Grill sa Newport World Resorts sa Pasay City.

Kilala ang kanyang restaurant sa signature rare breed steaks.

Kasama sa menu ng Gordon Ramsay Bar and Grill ang burgers, fresh market seafood at ang kanyang iconic Beef Wellington.

Sikat si Gordon bilang host sa American version ng Hell’s Kitchen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *