Chikiting Bakunation Days, inilunsad sa So.Cot

KORONADAL CITY- INILUNSAD ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) South Cotabato ang Chikiting Bakunation Days, isang vaccination drive para sa mga batang may edad 0 hanggang 23 months.

Inihayag ni national immunization program coordinator Jessel Faith Arizaleta ng IPHO na ito ay isang catch-up routine immunization sa mga batang hindi pa nababakunahan laban sa iba’t ibang sakit o yaong mga na-miss ang kanilang immunization schedule.

Kabilang sa ibibigay na bakuna sa mga unimmunized children ay ang oral polio, mumps, measles rubella o MMR, BCG, at pentavalent vaccine.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Arizaleta ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa mga health centers o makipag-ugnayan sa mga barangay health workers o BHW.

Ang schedule ng Chikiting Bakunation Days ay tuwing huling Huwebes at Biyernes ng buwan ng Abril, Mayo at Hunyo o sa April 28 at 29; May 26 at 27 at June 23 at 24.

Ayon kay Arizaleta na dahil sa pandemic, apektado ang vaccination accomplishment ng South Cotabato para sa mga kabataan na nasa 70% lang ng target.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *