China to PBBM – ‘Magbasa ka ng libro’

Kinondena ng China ang mga bansang na nagpaabot ng pagbati sa bagong halal na Presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te kabilang na ang Pilipinas.

Binalaan ng China ang Pilipinas at sinabi nito na ‘not to play with fire’.

Sa social media post sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan niyang patuloy na mapapalakas ang ugnayan ng Taiwan at Pilipinas kasabay ng pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran.

Agad namang nagpasalamat si Lai at mahalaga sa kanya ang matibay na pagkakaibigan ng Taiwan at Pilipinas.

Pero hindi ito bumenta sa China ang mga pahayag ng suporta sa Taiwan.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, ang Taiwan ay bahagi ng China at kung sino man ang lalabag sa One China Policy ay sumasagasa sa soberanya ng kanilang bansa.

Paliwanag naman ng Department of Foreign Affairs nagpapasalamat lang ang Pangulo sa magandang trato ng gobyerno ng Taiwan sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *