China, binati si Vladimir Putin sa pagkanalo bilang pangulo

Nagpadala ng mensahe si Chinese President Xi Jinping upang batiin si Russian President Vladimir Putin.

Ito’y matapos ang kanyang landslide victory bilang pagka Pangulo sa kakatapos lang na halalan sa Russia.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian, magpapatuloy ang magandang relasyon ng China at Russia sa ilalim ng pamumuno nina President Xi at President Putin.

Mas pinapalakas pa ng China ang ugnayan nito sa Russia, sa gitna ng tumitinding pagpuna ng mga iba’t ibang bansa hinggil sa dimaan sa Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *