China, hiniling sa Pilipinas na itigil ang mga aktibidad at exercises sa WPS

Muling iginiit ng China na may soberanya ito sa mga islets at iba pang land features sa West Philippine Sea kasabay ng paghiling nito sa Manila na itigil na ang mga aktibidad nito sa mga pinagtatalunang teritoryo.

Sinabi ni Foreign Minister spokesperson Wang Wenbin na ineenjoy ng China ang soberanya nito sa Nansha (Spratly) Islands kabilang na sa Zhongye (Pag-Asa) Island at Zhongsha Islands, sa Huangyan Island (Panatag Shoal) at sa mga adjacent waters nito.

Binigyang diin ng opisyal na meron hurisdiksyon ang China sa mga nasabing lugar.

Sagot ito ni Wang sa katanungan kung ano ang reaksyon ng China sa drills ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Wang na dapat ay marespeto ang soberanya, karapatan at interes ng China at itigil na ang mga aksyon na lalong gagawing kumplikado ang sitwasyon.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang Department of National Defense (DND) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa huling pahayag ng China. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published.