China, inatake na naman ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission

Nagsagawa na naman ng ‘dangerous maneuver’ ang barko ng China sa Philippine Supply Vessel Unaizah May 4 kaninang umaga.

Alas-sais otso kanina, naglabas ng video at mga larawan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan makikita ang paglapit ng China Coast Guard (CCG) vessel BN21551 habang isinasagawa ng barko ng Pilipinas ang Rotation and Resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kasunod nito, pasado ala-7 naman ay nagsagawa ng reverse blocking maneuver ang CCG sa barko ng bansa na halos magresulta na sa banggaan.

Hindi pa rito natatapos ang pag-atake ng China, dahil bago mag-alas-otso kaninang umaga ay tinarget at binomba na naman ng China Coast Guard ang Unaizah May 4.

Mababatid na ang Unaiza May 4 ay isang civilian vessel na nagsasagawa ang rotation and resupply (RoRe) operation sa Ayungin Shoal.

Isa ito sa dalawang civilian vessel na kasama sa Rore mission noong March 5.

Dulot ng matinding water bombing ng China noon, hindi nakumpleto ng nasabing barko ang mission nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *