China: mag-ingat at huwag maglaro ng apoy pagdating sa usapin ng Taiwan

‘Don’t play with fire.’

Ito ang tila babala ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa Pilipinas pagdating sa isyu ng Taiwan.

Ang pahayag ay ginawa ng Chinese Official kaugnay ng direktiba ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Armed Forces of the Philippines na magdagdag ng pwersa at straktura sa Batanes na malapit na sa Taiwan.

Ang kautusan ay binigay ni Sec. Teodoro nang bumisita siya sa Mavulis island kamakailan, kung saan kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng territorial Defense capability ng bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na ang magkapitbahay na bansa ay dapat maayos na makitungo sa isa’t-isa, base sa prinsipyo ng good-neighborliness, friendship, mutual respect for sovereignty and territorial integrity.

Binigyang diin ng tagapagsalita na ang isyu sa Taiwan ay red line na hindi dapat lagpasan, at dapat itong maintindihan ng mga opisyal sa Pilipinas upang maiwasang mamanipula at masaktan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *