China, muling hinarang ang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Muli umanong hi-narass ng Chinese Coast Guard ang pinakabagong resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sa monitoring ni dating US Senior Defense Official at SeaLight Director Ray Powell – iniulat nito ang bagong resupply mission na in-escort ng BRP Melchora Aquino sa Sabina Shoal.

Ang kaso, hinarang daw ito ng 15 milita ships ng China sa Mischief Reef.

Mayroon din umanong apat na Chinese Coast Guard ships ang humarang, pero ‘di nila ito na-monitor dahil nakapatay ang automatic identificaiton system o AIS nito.

Sa hiwalay na video – makikita ang pangha-harass ng mga Chinese Rigid Hull Inflatable Boats sa rotation and reprovisioning (RORE) mission papunta sa BRP Sierre Madre.

Sistematiko at walang tigil na iligal at peligrosong pagkilos ng China, nagpapahiwatig daw ng kaduda-dudang sensiridad sa panawagang mapayapang pag-uusap sa sa WPS

Nagpapahiwatig daw sa kaduda-dudang sensiridad sa panawagang magkaroon ng mapayapang pag-uusap ukol sa usapin sa West Philippine Sea ang sistematiko at walang tigil na iligal na peligrosong pagkilos ng China

Ito ang sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea sa isang pahayag, kasunod ng ulat ng panibagong panghaharass ng Chinese Coat Guard sa paggamit ng water cannon sa resuply vessel na M/L Kalayaan patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kaninang umaga.

Ayon pa sa NTF-WPS, nagsagawa pa ng dangerous harassment ang mga inflatable boats ng CCG sa loob ng lagoon ng Ayungin Shoal para pigilan ang M/L Kalayaan at Unaiza May 1 na makarating sa BRP Sierra Madre.

Sa kabila ng insidente, matagumpay na naisagawa ng dalawang resupply boat ang paghahatid ng supplies sa BRP Sierra Madre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *