China, muling ibinalik ang mga floating barrier sa Scarborough Shoal

Ibinalik muli ng China ang mga inalis na floating barrier na nakapalibot sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Mababatid noong Sityembre pinatanggal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga floating barrier dahil delikado ito lalo na sa mga barkong dumadaan sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na matuklasan ng Philippine Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang floating barriers na humadlang sa mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa kanilang mga lugar ng pangingisda.

Nabigyang-katwiran ng China ang kanilang hakbang sa pagsasabing ginawa nila ito upang harangan ang isang BFAR vessel sa pagpasok sa tubig at sa lagoon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *