China, muling inakusahan ang Pilipinas ng mga mapanghamong hakbang sa WPS

Muling inakusahan ng China ang Pilipinas sa mga umanoy mapanghamong hakbang sa gitna ng mga nangyaring insidente sa West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry ilang buwan ng nagkakasa ang Pilipinas ng mga mapanghamong galaw na kumakalap ng pwersa mula sa labas ng rehiyon.

Kaya kailangan rumesponde ng China para maaksyunan ang mga kilos ng Pilipinas.

Sa kabila niyan handa ang China na makipag-usap sa Pilipinas tungkol sa mga maritime isyu.

Umaasa rin ang China na ititigil na ng Pilipinas ang tinatahak nitong maling direksyon.

Sinabi naman ni National Taskforce Jonathan Malaya na bukas din ang Pilipinas na makipagdayalogo sa China.

Giit pa niya na magagawa lang ng bansa ito kung titigilan ng China ang pambu-bully at mga agresibong at ilegal nitong askyon sa WPS.

Nanindigan din ang mga sandatahang lakas na hindi nanghahamon ang bansa sa halip sumusunod lang sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *