China, nagbawas ng 25% visa fees sa ilang mga bansa

Nagbawas ang China ng 25% visa fees para sa mga bumiyahe mula sa Thailand, Japan, Mexico, Vietnam at maging sa Pilipinas.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry at Embassies ng limang bansa, epektibo ito simula Lunes, December 11 hanggang December 31 sa susunod na taon.

Ibig sabihin, mas mura na ang gagastusin ng mga turista at mga biyahero na pupunta ng Bejing.

Layon nitong palakasin ang turismo sa China at hikayatin ang mga businessman na mag-invest sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *