China, nagprotesta sa desisyon ng US na barilin ng ang hinihinalang spy balloon

Inihayag ng China ang kanilang strong dissatisfaction at protest laban sa desiyon ng Estados Unidos na barilin ang pinaghihinalaang Chinese surveillance balloon na naispatang lumilipad sa US airspace.

Inakusahan ng China ang US ng overreacting at paglabag sa international practice.

Noong Sabado, binaril ng US military fighter jets ang balloon sa ibabaw ng Atlantic ocean na isang misyon na ikinatuwa ni Pangulong Jose Biden.

Naniniwala ang United States na ang balloon ay isang spy ngunit pinabulaanan ito ng China at iginiit na ito ay isang civilian research vessel.

Nabatid na ang spy balloon ay pumasok kamakailan sa US airspace. Naispatan ito sa hilagang-kanluran ng US kung saan may mga sensitive airbases at strategic missiles.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *