China, nanatiling ‘benefactor’ ng Pilipinas – PRRD

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanatiling benefactor ng Pilipinas ang China.

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat natin pinapakitaan ng kawalan ng galang o kabastusan ang China dahil lamang meron hindi pagkakaunawaan ang dalawang bansa.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ng Pangulo na kahit kailan ay hindi siya nangako na babawiin nito ang West Philippine Sea.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos siyang akusahan nina retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario nang hindi pagprotekta sa interes ng Pilipinas, habang patuloy na nanghihimasok ang mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaan sa debate ng presidential candidates noong 2016 ay sinabi ng Pangulo na sasakay ito ng jet ski papunta sa Spratly Islands para itanim ang bandila ng Pilipinas doon.

Pero matapos manalo ng Pangulo sa eleksyon ay agad niyang nilinaw na ang kanyang sinabi ay isa lamang hyperbole.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *