China, nangakong magkakaroon ng sapat na dayalogo sa mga pinag-aagawang teritoryo

Idiniin ni Chinese Premier Li Qiang na mas lumalim pa raw ang ‘good neighboorly friendship’ ng China kasama ang mga ASEAN member-states.

Ito ay kahit na patuloy pa rin ang mga aggression na ginagawa ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea kung saan, ang mga biktima ng pambu-bully nila ay mga miyembro ng ASEAN gaya na lamang ng Pilipinas.

Sa ASEAN-China Summit, sinabi ni Li na patuloy pa rin daw ang kanilang committment sa ‘mutual assistance’ sa rehyon.

Aniya, handa silang idaan sa tamang dayalogo at consultations ang ano mang hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *